kasalukuyan akong gumagawa ng papel sa pilosopiya, hindi ko ito matapos at magawa ng tama sapagkat napakaraming ideya ang dumadaloy sa isipan ko na tila ba kailangan kong hulihin sa tamang panahon at maikabit sa talatang aking ginagawa sa tamang ayos at pagkakasunod sunod. Nakalilito. Bagaman napakarami nga ng ideyang nasa isip ko ngayon, tila ba ako'y nagaalinlangan kung tama nga ba ang mga ito? Pilosopiya. Descartes: to doubt everything. Kaya naman kailangan kong konsultahin ang mga basahin kung tama nga ba ang naiisip ko. Apat na pahina lamang ang kinakailangan naming isumite, akala ko'y sapat na ito. Ngunit parang hindi na parang oo. Ewan!
Sa ngayo'y iiwan ko na muna an gpamimilosopiyang ito upang ilipat ang talakayan sa napipintong paghaharap ng UST at ADMU bukas. Manonood kami ng laro bukas! yey! Salamat sa aking kaibigan, na siyang nagbigay ng dalawang ticket para sa akin at sa aking nobyo. Hay. Kung wala iiyak na ako. Gusto ko kasi talagang manood. Sobrng bonus kung andun si alvin. kaya't kung kinulang ang tickets, tiyak na magaalinlangan ako kung tutuloy ba akong manood o hindi.
Sa nakaraang laban: :"Eagles pinabagsak ng FEU tamarawa!" hahaha. keri lang. i don't want to stoop down to their level. Hahahaha. Lupet. Magaling na koponan nga ang FEU. ngunit naniniwala ako na ang pagkatalo ng aming mga manlalaro ay hindi dahil sa kagalingan ng kabilang kampo o maging ng kanilang depensa. Bagkus, sa aking palagay ang pagkatalo ay dahil sa hindi magandang laro na ipinamalas ng aming mga manlalaro. Sana na lamang, bukas pumanig sa amin ang panalo. Syempre manonood ako noh!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment